Saturday, August 30, 2008

Day 4 - Going Home, Back to Reality

It was our last day. Sa hapon pa naman ang flight. Hindi ako masyadong nakatulog. Paputol-putol. Mga around seven yata or eight, lumabas na kami ng hotel. Nakaayos na kami at lahat, naka-full battle gear para magtingin-tingin ng pasalubong, hehehe. Nakasuot pa ako ng shirt na may print na Iloilo. Halatang-halatang Pinoy. Hehe. Aliw nga eh. Kasi tumitingin sa akin ang mga Pinoy habang naglalakad ako. Pangiti-ngiti lang ang ginagawa ko sa kanila.

Bago kami mamili, we thought of having breakfast first. Dimsum or any dumplings sana, kaso sarado pa yung kinainan namin tapos hindi na rin kami naghanap ng iba. Okay na ang McDonalds. Yum! Hehehe. Nakakabusog nga kasi for MOPsomething-something, tatlong pancakes, isang sausage at coffee na. Busog na nga.






hihirit pa ng photo si Nick.. tsk. tsk.

Afterwards, dumiretso na kami sa Leal Senado para mamili. Dumiretso muna kami kay Koi Kei, ang nangunguna sa pagbebenta ng tapa. Hehehe. As I've told you in my previous post, tourist-friendly ang tindahan na ito kasi may translation to English ang mga tinda nila at may presyo na nakalagay. Pipili ka na lang. Wala akong na-feel na bilhin so hinayaan ko na lang mamili si budz. Inaliw ko sarili ko sa pag-iikot. Natanaw ko nga ulit ang St. Paul ruins. Ganda talaga niya.


the famous Koi Kei


tanaw lang ng shop ang St. Paul Ruins

Afterwards, we looked for any souvenir shops kasi gusto ko ng pang-display na may touch of Macau. Idadagdag ko sa koleksyon sa kwarto ko. Kaso wala akong makita na mura, yung isang tindahan kasi taga ang presyo. Ok lang, we moved forward na lang.

Maya-maya, unti unti nang dumadami ang tao. Pati mga retail stores unti-unti na ring nagbubukasan. Nagsimula na kaming maaliw. Hahahaha. Pero wala pa rin talagang pumasa sa pihikan kong panlasa. Medyo hinayang pa ako sa igagastos ko.


konti pa lang ang tao sa Senado.. maya-maya dadami na ulit yan


dito may Pinoy na nagtitinda ng magazin na Pinoy.. napalingon ako kasi nakita ko itsura ni Piolo Pascual.. hehe

Fortunately, may nagbukas na na nagtitinda ng Olympics souvenirs, sa Macau Tourist Center. Cool! Mahigpit na bilin ni bunsong sister na gusto nya ng ID lace. Kahit ano. Wala kasi sa Disneyland. Dito, meron. Binilhan ko na lang siya, si Jingjing, one of the Fuwa characters.

Solved na ako. Maligaya na ako kahit yun lang nabili ko. At least meron na, hehehe. Next time na lang ako mamimili kapag feel ko. I will definitely be coming back to Macau.

Nang makapamili na si budz, bumalik na kami sa Hotel Central. Konting ayos ng gamit, kodakan ng room and then nung okay na, umalis na kami. Ibinalik lang namin ang susi sa reception. Nakangiti pa siya. Ok talaga. Walang-wala dun sa front desk sa HK. Heto matanda na pero ngumingiti talaga siya sa mga guests. Siguro inisip nya, para bumalik ang mga guests na mag-stay sa Central. Hehehe. Hindi na ako babalik doon kahit friendly pa siya. Sa ibang hotel naman, hehehe.


makasaysayang shot ng hallway.. ang dilim di ba? LOL!


ang tumutunog na aircon sa loob ng lift.. di naman malamig eh


may cable TV!



Nilakad lang namin from Senado hanggang kanto, sa Hotel Lisboa. Doon kami mag-aabang ng AP1 bus papuntang airport. Nagtanong pa kami sa isang babaeng pulis kung tama ang ginagawa namin, hehehe. Tama naman. In fairness, may itsura ang babaeng Chinese. Baka nga ganundin yung mga guys. Bakit ba may itsura mga pulis doon, pati sa HK? Dito sa Pilipinas, ang gwapong pulis lang ay uncle ko, hehehe. (uy, bias. LOL!!!)


uuwi na ako...


nilakad lang namin.. masarap naman maglakad eh.. exploring the streets.. =)


ang pinakamaunlad na jewelry shop.. LOL. madami nito sa HK.. pati sa Macau, meron din palang branch


heto ang view sa bus stop.. tapat lang ng Hotel Lisboa

So pumwesto na kami sa bus stop. Hindi pa namin alam kung tama ba ang hinimpilan namin so nag-ikot si budz para magtingin-tingin. Dapat sa kabila daw. So lumipat kami. Pero ang tagal ng bus. Negra na nga kami, bilad pa kami sa araw. Nakakatakot ang pwedeng mangyari sa amin, di ba? Hehehe.

We started talking about a new plan. We decided to take the Wynn bus going to ferry terminal. So naglakad kami. Imagine ang layo from Ayala Buendia to Ayala Paseo de Roxas. Ganun yata kalayo nilakad namin.


kahit mainit, nakuha pa naming mag-kodakan. hehehe


tumawid na lang kami sa kabila, sa Wynn Hotel para sumakay ng free shuttle bus


ang gamit namin. konti lang kaya carry maglakad


on board, Wynn free shuttle bus

When we get there, nagtanong naman si budz sa mga bantay ng bus sa Wynn. Hanep. Nagkataong Pinoy ang naka-duty. Mas malapit daw na sumakay kami ng papuntang Taipa ferry terminal kesa sa Macau ferry terminal. As in tanaw lang ang airport. Ok. Salamat, kuya!

So, sa kalamigan ng byahe namin from Macau city to Taipa sa kabilang island, I took pictures. Kampante na ako. Tanghali na. Pero alam ko naman kung saan ang airport so makatawid lang kami sa kabilang island, ok lang.

Pagdating namin ng ferry terminal, tanaw nga ang airport, pero ang layo pa. Hindi naman namin alam kung may service papuntang airport so we decided to walk. Ang init. Haiii... Iniisip ko nga baka nahihirapan ang kaibigan ko sa mga gamit nya, baka mabigat. Pero ok naman daw. Good.

Alam mo yung parang eksena sa isang comedy film na kung ano yung hinahanap mo, kung kelan nag-give up ka na, tapos saka susulpot? Nangyari yun! Bad trip. Hahaha. Nakakalayo na kami ng ferry terminal nang may dumaang AP1 bus! Anak ng...!!! Dinaanan lang kami. Tapos may Pinoy na nasa kabilang side ng bakod, tinawag kami at tinanong kung airport daw ba ang tungo namin, bakit di na lang mag-abang ng AP1 bus. Uh, kasi ang tagal namin siyang hinintay sa Lisboa, di sya dumating. Akala ko nga obsolete na yun. Tinuloy na lang namin ang paglalakad. Ang layo na namin sa terminal. At kung maghihintay ba kami, may darating ba agad? Baka iwan na kami ng eroplano.

Hindi na ako nakapag-picture. Gusto ko pa rin sanang i-souvenir ang moments namin under the hot, hot sun. Kaloka! Sa wakas, narating na namin ang airport. Nakakuha na si budz ng trolley. Binaba na namin ang mga gamit at nag-elevator na lang kami papuntang departure area sa taas.


picture muna bago mag-check in

Fulfillment. Yun ang feeling ko nung nasa airport kami. Hindi lang after ng paglalakad namin under the hot, hot sun pero nang matapos ng adventure namin sa HK at MO (country codes for HongKong and Macau). For four days, sinubok namin ang kakayahan namin sa geography at PR. Mas ma-appeal sa PR si budz, hehe. Siya ang mas malakas ang loob na magtanong.

Since day one, we only depended on the maps, tips and on each other para maka-survive sa magugulong kalye ng HK at sa makulay na buhay ng MO. Masaya ang adventure na ginawa namin. I've learned a lot at mas enjoy ang paglalakwatsa kesa kung kumuha kami ng travel agent. Hindi ko akalain na magagawa ko ang ganito. Actually, matagal ko na ding gustong gawin ang ganun. Gusto ko ng ganung challenge. Ginawa ko na iyan last year sa Cebu. Ang tour guide sa grupo ay si Pie. Next year, saan naman kaya ako? Depende kung saan aabutin ng mga paa, hehehe.

Naka-check in na kami at hinihintay na lang ang boarding. Kumain lang kami ng konti kasi pasado alas dose na. Habang kumakain, may tumawag sa phone. Unknown number. Baka tatay ko. Susunduin daw kasi niya ako. Sinagot ko ang tawag. Si Miss A pala, boss ko. Hehehehe. Hinahanap ako. Pinapapasok ako sa holiday para gawin ang HongKong Express. Funny. Hongkong airline pa ang bungad na trabaho ko pagbalik ng opisina. Hahaha.



pictorial muna si Nick habang nagmemeryenda ako


andyan na ang PAL.. umuwi na daw kami.. Hahaha


hay, pahinga.. see? Iloilo ang shirt ko.. hehehe


hindi rin pahuhuli si Nick. adik!

May free internet access sa terminal so medyo nakapag-check ako ng email. Saglit lang kaya pagkatapos, nagpicture-taking na kami ni Nick.



free internet access

Konti lang ang pasahero ng PAL pauwi. Na-appreciate ko talaga ang pauwi dahil may pagkain kami sa plane. Kanin! Chicken karekare. Carrot cake. Sushi. Bread and butter. Choice of drinks. Glass of water. Coffee or Tea? Iyan ang hain sa amin. Nagutom tuloy ako ngayon...



yum!

Pagdating ng plane sa area of Philippine responsibility (LOL), present na naman ang mga nimbus clouds. Maryosep. Umuulan sa Pilipinas. Ang init sa Macau. Sana hindi baha. Gustong-gusto ko nang mag-CR pero may pupuntahan yatang binyag ang piloto, ang bilis makarating ng plane sa NAIA. Sa Immigrations na lang ako nakapagCR. Ok lang. Paglabas naman, wala nang pila sa Immig, hehehe. Cool! Tapos ang mga bagahe namin, andun na rin. Great. Paglabas namin, ang tatay ko, wala pa. Shucks! Hahahaha.

Nagpaalaman na kami ni Shirley. Magkikita pa kami. May utang pa ako dyan, hahahahahahaha. Siguro mga thirty minutes pa ang hinintay ko bago dumaan ang tatay ko sa harap ko. Tapos umuwi na kami.

Ayos. Iyan ang nangyari sa akin sa apat na araw ko sa lugar ng mga Intsik.

For entertainment value, sana nag-enjoy din kayo. Hahahaha. Nawili akong magkwento. Wala na naman akong magawa sa buhay.

Siyanga pala, this is Prince Caspian. May special ability siya: Ang magtanggal ng sakit ng legs - without doing anything. Sa maghapon naming paglalakad sa Disneyland, sumakit na ang legs namin. Haiiii..

Paglabas namin sa Festival of the Lion King, heto ang bumungad sa amin. Si budz ang unang nakakita sa kanya.. pero may BF na sya. Hahahahaha. (budz, akin na lang ha? LOL!!!)

Nagpa-picture kami sa kanya. Ang sarap nyang i-kiss siguro. LOL! Pagkagaling sa kanya, feeling namin, nawala na ang sakit sa binti namin. Miracle worker ang lalaking ito! LOL!

Bagay kami, di ba? di ba? Hehehehe. ;)

Day 3 - Braving the Scorching Heat of Macau

Redundant, di ba? Scorching na, Heat pa. Hehehe

We woke an hour late from the schedule we agreed on the previous night. Nakakapagod ang Disneyland tapos humirit pa kami ng night market. Lupit sa energy di ba? Hehehehe. Ok lang. Last stop naman ang Macau and we have less than fourty eight hours for that. Nag-almusal ulit kami sa room, did our morning rituals before we leave. Nagtingin ako sa palabas sa TV, wala na si gwapong Korean actor. As per Chit, his name is Dennis Oh. Kaya pala napa-oh ako. LOL!!!!!

Nagcheck-out na kami sa hotel. Buti na lang, wala nang problema with Elle. Hehehe. Actually, wala din sya sa front desk nung umalis kami. Some guys lang ang andun. Tahimik magsisalita. Kailangan ilapit ko pa tenga ko para marinig sinasabi.

Our next stop would be Macau. From Yau Ma Tei MTR station, we traveled to Sheung Wan where the Turbojet ferry terminal is located. Travel time would be a little over an hour. Medyo bitin pa ako siguro sa breakfast kaya bukod sa malakas na alon, gutom siguro dahilan kaya medyo nahilo ako. Good thing, hindi ako nasuka. Ayaw na ayaw kong masuka. Nahihiya ako.


grabe, ang init!


on the way to the boarding area for Macau


Turbojet... =P

Nakakuha kami ni Shirley ng saglit na tulog so paggising namin, ilang kurap na lang e, Macau na. When we got there, ang haba na naman ng pila sa immigrations. Kung madami dun sa palabas kami ng HK, mas marami sa Macau. Pagkalagpas namin sa mga gwardya, bumaba na kami to get maps and talk about our strategy. Naaliw ako. Ang dami kong nakitang free shuttle buses ng mga casino hotels. Buhay na buhay ang pamamasyal namin nito, hehehe.


aliw talaga ito. nabuhay kami sa libreng sakay sa pamamasyal.. hehehe

But since pasado ala-una na, we decided to go straight to the hotel for check-in, drop our bags, take our lunch and go, go, go.

Medyo apprehensive kami sa kinuha naming hotel - Hotel Central. According to the reviews in the internet, luma na daw ito at medyo hindi kagandahan. Nung unang panahon, ito daw ang pinakamataas na building sa Macau. Mejo nag-alangan kami pero peak season so sinuwerte na din kami na nakakuha ng mura. Anyway, overnight stay lang naman. May malapagan lang ng gamit at matulugan saglit sa gabi, okay na.


yung green building... yun ang Hotel Central


Leal Senado kaagad.. lapit lang di ba? Hehehehe



We took bus #3 from the ferry terminal. Saktong MOP2.50 ang pamasahe, hindi nagsusukli kasi ihuhulog yung barya sa coin box sa tabi ng driver. And then larga na. Nanibago ako sa Macau. The last time na andun ako, wala pang mga malalaking hotel. Ang Hotel Lisboa, mukha pang nag-iisang cake noon pero ngayon, may katabi na syang malaking pinya, ang Grand Lisboa. Kunsabagay, seven years ago pa ang dati kong punta. So talagang madaming pagbabago. Sayang nga din. Sana pala napaaga kami para natyempuhan ko ang NBA. Nakita ko sana si LeBron. Cool!

Pagdating namin sa hotel, bungad pa lang, amoy luma na. Kabado na ako. Nahihiya lang ako magsabi kay budz. Ayokong idamay siya sa feeling ng panghihinayang. Gusto kong ma-enjoy ng kaibigan ko ang Macau. Unlike sa Dorsett Seaview sa HK, palangiti ang matandang babae sa reception. Binigay lang ni Shirley yung print-out ng confirmed booking namin and then okay na. Binigay na ang susi. Medyo naloka kami sa elevator. Nakakatakot. Para kang nasa horror movie tapos may nakatayo sa likod mo na mahabang buhok na nakaputi. Ganun ang naging takbo ng imagination ko, haha.

Paglabas ng elevator sa sixth floor, medyo madilim ang pasilyo. Pang-scary movie ang drama namin! Galing! Kung susumahin ang trip namin, iba-ibang genre ang sinakop namin. LOL!!! Comedy, action, adventure, uh romance (huwag nang humirit. Hanggang ngayon naiimagine ko pa rin si Prince Caspian, si jersey #12 at ang mga gwapitong pulis ng HK. LOL!!) at heto nga, horror. Pagdating sa room, okay naman. Luma talaga siya eh. Pero tolerable. Siguro sobrang nag-expect kami ng worst kaya pagdating namin sa room, medyo na-relieved kami. Daig pa ng Central ang Dorsett. Cable TV! May HBO, AXN, Star Movies, etc. Wala lang CNN. Kalaban talaga ng China ang favorite news channel ko, hehehe. Tsk. Tsk. Tsk. After ng konting pahinga at pag-uusap ng strategy sa paglalakwatsa, go na ulit kami.



Mas konti tao sa Macau kesa HK. Medyo tame ito kesa HK pagdating sa dami ng turista. Kaso kasagsagan ng Olympics eh. Ang daming tao talagang pupunta. Kumain muna kami sa isang Chinese eatery sa tabi mismo ng Leal Senado, or San Ma Lo as it is commonly called. As usual, mejo nakatingin yung ibang Chinese pagpasok namin. Hehehe. Kami lang foreigners pala sa kainan nila. Adventure kaya kumain ng Chinese food. Nakakabusog pagkain nila. Nakalimutan naming ang laki ng serving. Dapat magshe-share kami ni Shirley para mas tipid.

After eating late lunch, pinasyal na namin ang San Ma Lo. Madaming establishment dito. Pero ipinagliban muna namin ang pamimili kasi magandang mamasyal muna. May bukas pa naman eh.




madali lang malaman ang pupuntahan mo kasi may mga ganitong signage..


ang daming bumibili ng tapa! ang pinakamabenta is yung Koi Kei kasi may presyo at english translation kung anong klaseng tapa ang tinitinda nila.

Napadpad kami sa bandang gilid, yung St. Dominic Church. Pinoy ang guard sa museo. After nun, naglakad na kami sa bandang likuran papuntang St. Paul Ruins. Ang daming tao. Ang ingay. Dumaan kami sa 'tapahan' street. Hilera ang tinda ng tapa dito. May Macanese delicacies din. Pwede pang mag-free taste. Dala ka lang ng tubig, busog ka na. Hehehe. Cool di ba?


ganda noh?


di pahuhuli si Nick.. LOL!

Sa wakas, narating na namin ang famous ruins of St. Paul church. Nasira ito dahil sa sunog. Pinanatili na lang ng government ng Macau ang natitirang facade kaya naging maayos pa ito. Ang galing nga eh, kasi nagagawa nilang i-preserve ang ganitong bagay. Ang amazing sa tourist spot na ito is yung dramatic location ng facade, may mataas at malawak na steps sa harap nya. Tapos kapag haharap ka sa church, you will see nothing beyond it but clear skies. You would wonder how does it looked like nung buo pa ang church. Maganda kaya siya sa loob? Ano kaya itsura ng tiles sa floor? Elaborate kaya ang designs sa altar? Fascinating di ba?

After looking at the ruins and the mini-museum behind it, we went to Macau Museum. Nasa gilid lang siya. For MOP15, nakapasok ka na sa interactive museum that depicts the history of Macau and the way of life ng mga taong naninirahan dito. Madaming Pinoy na guards sa loob. Nakakatuwa kasi nambabati talaga sila. And it's nice to see kababayans in a foreign country.


pababa na kami from Macau Museum... balak pa yatang dumiga ni Nick sa mga intsik. Babaero!!! LOL!


per bus numbers, nakalagay yung madadaanan or routes nila. madali lang malaman kung anong sasakyan mo. Galing noh? sana ganyan din dito, para organized. At hindi nag-aagawan ang mga bus. Yun nga lang, sangkatutak ang bus companies dito, unlike doon.

After exploring the museum and doing some photoshoot, hehehe, umalis na kami. We went to A-Ma Temple pero wala palang makikita doon. Ang magandang nangyari naman sa amin, naintindihan namin ang sistema ng buses nila.


nagpa-picture muna si Nick bago kami umalis. LOL


walang nasa loob ng waiting shed kasi mas mainit sa waiting shed kesa sa labas.. baligtad. LOL!

Papunta kami sana ng Macau Tower pero ang hirap maghintay ng bus 21 dito na dadaan doon so bumalik na lang kami sa Lisboa. From there, we took a bus sa Wynn Hotel papuntang Venetian. Mali pa ang nasakyan namin kasi papuntang boarder gate. Sa Sands Casino pala may masasakyan. Ok lang. Nakapag-joyride kami at naipahinga namin ang mga paa namin kahit saglit. From the boarder gate, nagfree shuttle ulit kami going to Venetian. Meron na silang available shuttle doon.


madaming sumasamantala sa free shuttle na ito ng Wynn Macau.. malaking tipid din naman kasi eh.


dito ako nag-stay noon. 12th floor. May mga multo dyan, hehehe.


nasa Venetian Hotel na kami. Daming Pinoy dito, lalo na sa duty free.

Pagdating namin sa Venetian, hinanap agad namin ang Grand Canal. Excited. Gusto ko nang ma-experience being in Italy. Naks! I was thinking na since may water ito, sa ground floor lang. But no, I was wrong! LOL!!! Nasa second floor siya. Ang ganda. Ang sarap magdala ng boyfriend dito tapos sakay kami ng gondola. Yiiii!!!


kulang na lang kumanta ako sa posing na ito, di ba? LOL!


hanep sa kisame!


Siyanga pala, nanalo kami sa gambling kaya nakarating kami dito sa Venice... excuse me. LOL!!!




ang tinis ng boses ng babaeng yan! authentic Italian ang kinukuha nila for the job, para feel! taray noh?

Dito na rin kami kumain ng dinner. Nagshare na kami ni Shirley sa gastos, hehehe. Minsan lang namang mag-dinner sa Venetian. Dun nga lang sa food court.


foodcourt.. feeling Italy pa rin. hehehe

After dinner, umalis na kami. Manonood pa kami ng fountain show at yung paglabas ng Tree of Prosperity sa Wynn Hotel. So sa labas, may shuttle bus na papuntang Sands Casino. Naisipan naming dumaan pa pala muna ng Fisherman's Wharf kahit gabi na. Sayang din ang kodak moments. Hehehehe. Tinawid lang namin ang destinasyon namin from Sands. Dinaanan na lang ng bus ang Macau Tower. We're supposed to go here kaso hindi naman kami magba-bungee or whatever. Hindi rin kami kakain dito kasi mahal, so ok nang nasilayan namin. Pagdating sa Fisherman's Wharf, nag-umpisa na kami ng photoshoot. Pati si Nick, humirit...


nauna kaagad si Nick. Adik din.


hindi rin kami pahuhuli.


wala na kaming magawa.. pati anino namin, kinuhanan namin ng picture. LOL


sarado na ang Olympics Shop!!! Waahhhhh!!!

After nito, naglakad na kami papuntang ferry terminal, para naman sumakay ng another free shuttle bus papuntang Wynn Hotel. Manonood na kami ng fountain show at yung sa Tree of Prosperity. Konting minuto lang ang hinintay namin. Sumulpot na parang kabute ang fountain.. Galing! Kinunan ko ng video. Upload ko na lang soon. Ang laki eh. Hehehe


before the fountain show ... napaka-colorful! LOL


tubig shot.. hehehe

After the show, mejo alanganin kaming pumasok sa loob ng hotel. Nakaka-intimidate. Pero pinalakas ni Shirley loob ko. Parang nakakahiya kasi. Di naman kami guests dun tapos pasok-pasok kami, hehehe. Eh, ang dami din palang turista. Tapos yung isang Pinay na nagtatrabaho dun, sabi nya 1030H pa daw yung next show. Dumating kasi kami katatapos lang. So naghintay na lang kami... Of course, kodak moments ulit..


si Nick daw muna...


... tapos kami. hehehe


bubukas ito mamaya


... tapos dito lalabas ang puno

Nung nag-umpisa yung show, parang bigla na lang may sisilab na cosmic energy. Check nyo pictures. Hindi ko maintindihan ang concept bakit ganun,,, tapos mahahawi yung malaking projector na yun at lalabas ang isang dambuhalang chandelier. Sa ibaba naman, lalabas yung Tree of Prosperity na sabi nila is made of pure gold. Sabi din, concept daw ito ni Steve Wynn, ang may-ari ng hotel. Cool noh? May video ako ng first few minutes kaso pinagbawalan na ako ng guard, which is --- Pinoy. Hehehe.


nagbubukas na...


... o di ba? parang may something unexplainable na mangyayari.. LOL


whoa!!!


... lumalabas na ang dambuhalang chandelier!


Nagmi-meet na sila ng puno


ayan na!!! ayos noh? hehe.. tapos yun na, tapos na show.. konting kodak moment and then papasok na ulit sila sa pinanggalingan nila, hehe


ayan, kodak moment!

After that, pagod na. Naglakad na lang kami pauwing hotel. Uwi na kami bukas. Pero may kwento pa ako ...