Saturday, August 30, 2008

Day 4 - Going Home, Back to Reality

It was our last day. Sa hapon pa naman ang flight. Hindi ako masyadong nakatulog. Paputol-putol. Mga around seven yata or eight, lumabas na kami ng hotel. Nakaayos na kami at lahat, naka-full battle gear para magtingin-tingin ng pasalubong, hehehe. Nakasuot pa ako ng shirt na may print na Iloilo. Halatang-halatang Pinoy. Hehe. Aliw nga eh. Kasi tumitingin sa akin ang mga Pinoy habang naglalakad ako. Pangiti-ngiti lang ang ginagawa ko sa kanila.

Bago kami mamili, we thought of having breakfast first. Dimsum or any dumplings sana, kaso sarado pa yung kinainan namin tapos hindi na rin kami naghanap ng iba. Okay na ang McDonalds. Yum! Hehehe. Nakakabusog nga kasi for MOPsomething-something, tatlong pancakes, isang sausage at coffee na. Busog na nga.






hihirit pa ng photo si Nick.. tsk. tsk.

Afterwards, dumiretso na kami sa Leal Senado para mamili. Dumiretso muna kami kay Koi Kei, ang nangunguna sa pagbebenta ng tapa. Hehehe. As I've told you in my previous post, tourist-friendly ang tindahan na ito kasi may translation to English ang mga tinda nila at may presyo na nakalagay. Pipili ka na lang. Wala akong na-feel na bilhin so hinayaan ko na lang mamili si budz. Inaliw ko sarili ko sa pag-iikot. Natanaw ko nga ulit ang St. Paul ruins. Ganda talaga niya.


the famous Koi Kei


tanaw lang ng shop ang St. Paul Ruins

Afterwards, we looked for any souvenir shops kasi gusto ko ng pang-display na may touch of Macau. Idadagdag ko sa koleksyon sa kwarto ko. Kaso wala akong makita na mura, yung isang tindahan kasi taga ang presyo. Ok lang, we moved forward na lang.

Maya-maya, unti unti nang dumadami ang tao. Pati mga retail stores unti-unti na ring nagbubukasan. Nagsimula na kaming maaliw. Hahahaha. Pero wala pa rin talagang pumasa sa pihikan kong panlasa. Medyo hinayang pa ako sa igagastos ko.


konti pa lang ang tao sa Senado.. maya-maya dadami na ulit yan


dito may Pinoy na nagtitinda ng magazin na Pinoy.. napalingon ako kasi nakita ko itsura ni Piolo Pascual.. hehe

Fortunately, may nagbukas na na nagtitinda ng Olympics souvenirs, sa Macau Tourist Center. Cool! Mahigpit na bilin ni bunsong sister na gusto nya ng ID lace. Kahit ano. Wala kasi sa Disneyland. Dito, meron. Binilhan ko na lang siya, si Jingjing, one of the Fuwa characters.

Solved na ako. Maligaya na ako kahit yun lang nabili ko. At least meron na, hehehe. Next time na lang ako mamimili kapag feel ko. I will definitely be coming back to Macau.

Nang makapamili na si budz, bumalik na kami sa Hotel Central. Konting ayos ng gamit, kodakan ng room and then nung okay na, umalis na kami. Ibinalik lang namin ang susi sa reception. Nakangiti pa siya. Ok talaga. Walang-wala dun sa front desk sa HK. Heto matanda na pero ngumingiti talaga siya sa mga guests. Siguro inisip nya, para bumalik ang mga guests na mag-stay sa Central. Hehehe. Hindi na ako babalik doon kahit friendly pa siya. Sa ibang hotel naman, hehehe.


makasaysayang shot ng hallway.. ang dilim di ba? LOL!


ang tumutunog na aircon sa loob ng lift.. di naman malamig eh


may cable TV!



Nilakad lang namin from Senado hanggang kanto, sa Hotel Lisboa. Doon kami mag-aabang ng AP1 bus papuntang airport. Nagtanong pa kami sa isang babaeng pulis kung tama ang ginagawa namin, hehehe. Tama naman. In fairness, may itsura ang babaeng Chinese. Baka nga ganundin yung mga guys. Bakit ba may itsura mga pulis doon, pati sa HK? Dito sa Pilipinas, ang gwapong pulis lang ay uncle ko, hehehe. (uy, bias. LOL!!!)


uuwi na ako...


nilakad lang namin.. masarap naman maglakad eh.. exploring the streets.. =)


ang pinakamaunlad na jewelry shop.. LOL. madami nito sa HK.. pati sa Macau, meron din palang branch


heto ang view sa bus stop.. tapat lang ng Hotel Lisboa

So pumwesto na kami sa bus stop. Hindi pa namin alam kung tama ba ang hinimpilan namin so nag-ikot si budz para magtingin-tingin. Dapat sa kabila daw. So lumipat kami. Pero ang tagal ng bus. Negra na nga kami, bilad pa kami sa araw. Nakakatakot ang pwedeng mangyari sa amin, di ba? Hehehe.

We started talking about a new plan. We decided to take the Wynn bus going to ferry terminal. So naglakad kami. Imagine ang layo from Ayala Buendia to Ayala Paseo de Roxas. Ganun yata kalayo nilakad namin.


kahit mainit, nakuha pa naming mag-kodakan. hehehe


tumawid na lang kami sa kabila, sa Wynn Hotel para sumakay ng free shuttle bus


ang gamit namin. konti lang kaya carry maglakad


on board, Wynn free shuttle bus

When we get there, nagtanong naman si budz sa mga bantay ng bus sa Wynn. Hanep. Nagkataong Pinoy ang naka-duty. Mas malapit daw na sumakay kami ng papuntang Taipa ferry terminal kesa sa Macau ferry terminal. As in tanaw lang ang airport. Ok. Salamat, kuya!

So, sa kalamigan ng byahe namin from Macau city to Taipa sa kabilang island, I took pictures. Kampante na ako. Tanghali na. Pero alam ko naman kung saan ang airport so makatawid lang kami sa kabilang island, ok lang.

Pagdating namin ng ferry terminal, tanaw nga ang airport, pero ang layo pa. Hindi naman namin alam kung may service papuntang airport so we decided to walk. Ang init. Haiii... Iniisip ko nga baka nahihirapan ang kaibigan ko sa mga gamit nya, baka mabigat. Pero ok naman daw. Good.

Alam mo yung parang eksena sa isang comedy film na kung ano yung hinahanap mo, kung kelan nag-give up ka na, tapos saka susulpot? Nangyari yun! Bad trip. Hahaha. Nakakalayo na kami ng ferry terminal nang may dumaang AP1 bus! Anak ng...!!! Dinaanan lang kami. Tapos may Pinoy na nasa kabilang side ng bakod, tinawag kami at tinanong kung airport daw ba ang tungo namin, bakit di na lang mag-abang ng AP1 bus. Uh, kasi ang tagal namin siyang hinintay sa Lisboa, di sya dumating. Akala ko nga obsolete na yun. Tinuloy na lang namin ang paglalakad. Ang layo na namin sa terminal. At kung maghihintay ba kami, may darating ba agad? Baka iwan na kami ng eroplano.

Hindi na ako nakapag-picture. Gusto ko pa rin sanang i-souvenir ang moments namin under the hot, hot sun. Kaloka! Sa wakas, narating na namin ang airport. Nakakuha na si budz ng trolley. Binaba na namin ang mga gamit at nag-elevator na lang kami papuntang departure area sa taas.


picture muna bago mag-check in

Fulfillment. Yun ang feeling ko nung nasa airport kami. Hindi lang after ng paglalakad namin under the hot, hot sun pero nang matapos ng adventure namin sa HK at MO (country codes for HongKong and Macau). For four days, sinubok namin ang kakayahan namin sa geography at PR. Mas ma-appeal sa PR si budz, hehe. Siya ang mas malakas ang loob na magtanong.

Since day one, we only depended on the maps, tips and on each other para maka-survive sa magugulong kalye ng HK at sa makulay na buhay ng MO. Masaya ang adventure na ginawa namin. I've learned a lot at mas enjoy ang paglalakwatsa kesa kung kumuha kami ng travel agent. Hindi ko akalain na magagawa ko ang ganito. Actually, matagal ko na ding gustong gawin ang ganun. Gusto ko ng ganung challenge. Ginawa ko na iyan last year sa Cebu. Ang tour guide sa grupo ay si Pie. Next year, saan naman kaya ako? Depende kung saan aabutin ng mga paa, hehehe.

Naka-check in na kami at hinihintay na lang ang boarding. Kumain lang kami ng konti kasi pasado alas dose na. Habang kumakain, may tumawag sa phone. Unknown number. Baka tatay ko. Susunduin daw kasi niya ako. Sinagot ko ang tawag. Si Miss A pala, boss ko. Hehehehe. Hinahanap ako. Pinapapasok ako sa holiday para gawin ang HongKong Express. Funny. Hongkong airline pa ang bungad na trabaho ko pagbalik ng opisina. Hahaha.



pictorial muna si Nick habang nagmemeryenda ako


andyan na ang PAL.. umuwi na daw kami.. Hahaha


hay, pahinga.. see? Iloilo ang shirt ko.. hehehe


hindi rin pahuhuli si Nick. adik!

May free internet access sa terminal so medyo nakapag-check ako ng email. Saglit lang kaya pagkatapos, nagpicture-taking na kami ni Nick.



free internet access

Konti lang ang pasahero ng PAL pauwi. Na-appreciate ko talaga ang pauwi dahil may pagkain kami sa plane. Kanin! Chicken karekare. Carrot cake. Sushi. Bread and butter. Choice of drinks. Glass of water. Coffee or Tea? Iyan ang hain sa amin. Nagutom tuloy ako ngayon...



yum!

Pagdating ng plane sa area of Philippine responsibility (LOL), present na naman ang mga nimbus clouds. Maryosep. Umuulan sa Pilipinas. Ang init sa Macau. Sana hindi baha. Gustong-gusto ko nang mag-CR pero may pupuntahan yatang binyag ang piloto, ang bilis makarating ng plane sa NAIA. Sa Immigrations na lang ako nakapagCR. Ok lang. Paglabas naman, wala nang pila sa Immig, hehehe. Cool! Tapos ang mga bagahe namin, andun na rin. Great. Paglabas namin, ang tatay ko, wala pa. Shucks! Hahahaha.

Nagpaalaman na kami ni Shirley. Magkikita pa kami. May utang pa ako dyan, hahahahahahaha. Siguro mga thirty minutes pa ang hinintay ko bago dumaan ang tatay ko sa harap ko. Tapos umuwi na kami.

Ayos. Iyan ang nangyari sa akin sa apat na araw ko sa lugar ng mga Intsik.

For entertainment value, sana nag-enjoy din kayo. Hahahaha. Nawili akong magkwento. Wala na naman akong magawa sa buhay.

Siyanga pala, this is Prince Caspian. May special ability siya: Ang magtanggal ng sakit ng legs - without doing anything. Sa maghapon naming paglalakad sa Disneyland, sumakit na ang legs namin. Haiiii..

Paglabas namin sa Festival of the Lion King, heto ang bumungad sa amin. Si budz ang unang nakakita sa kanya.. pero may BF na sya. Hahahahaha. (budz, akin na lang ha? LOL!!!)

Nagpa-picture kami sa kanya. Ang sarap nyang i-kiss siguro. LOL! Pagkagaling sa kanya, feeling namin, nawala na ang sakit sa binti namin. Miracle worker ang lalaking ito! LOL!

Bagay kami, di ba? di ba? Hehehehe. ;)

No comments: