Saturday, August 30, 2008

Day 2 - Magical Dreams Come True

Nagising ako nang maaga on the second day. Habang tulog pa si Shirley, nanood muna ako ng TV kahit panay intsik ang nakikita ko at walang maintindihan. LOL. At may natyempuhan akong palabas. Hmmm... Yum... Akala ko intsik pero nung nakita ko ang writing sa TV series na iyon, Korean pala. Imagine, pinasok na rin pala ang China ng mga Koreanovela. Cool! Hahaha. Hindi ko alam ang palabas pero may gwapong character sa palabas. Isa siyang chef sa isang resto. Hindi siya mukhang Korean. Kapal ng kilay. Ganda ng mata. Hihihihihi. Ang cute. Kailangang ma-research ang pangalan nun, hahaha.


kahawig ng Chinese actor na ito si Jennylyn Mercado, LOL!!


please help me find the name of this Korean actor. hehehe


pipikit lang, gwapo pa talaga noh?


sino kaya siya?

So iyon ang umpisa ng second day ko in HK. Nakakita ako ng Koreanong gwapo sa TV na naka-dub in Chinese. Hehehe.


this is Iska. dinala ko sya sa bagahe ko para picturan din, kaso mas magaang dalhin si Nick (the ninja) kesa sa kanya so room shots lang meron sya, hehehe. she's holding my disney ticket. ;)

Ang itinerary namin was solely to be in Disneyland. After the morning rituals at nag-almusal ng mga binaong noodles at brownies, pumunta muna kami sa money changer sa Tsim Sham Tsui (TST) para kay Shirley. Nag-MTR kami. After that, we took the MTR again. From TST, we get off in Lai King, went to the intersecting line and get off at Sunny Bay. Dito na kami nag-abang ng papuntang Disneyland. Cool ng handrails at windows nila. Ulo ni Mickey. You can find the mickeys everywhere, LOL.


From TST, we get off in Lai King, went to the intersecting line and get off at Sunny Bay


... while waiting for the disneyland MTR


feel na feel ko na si Mickey dyan, hehehe


syempre kailangan may souvenir pic, LOL!

Hindi pwedeng walang picture-taking nung makarating kami ng Disneyland. I was so excited. It was a dream come true for me. I told myself that if I cannot go to Anaheim, California or the nearest one in Tokyo, Japan for a Disneyland experience, the nearest one in Asia will do. Visa is not required pa, say mo. Hehehehe. I admit, I was in tears when we reached the welcome entrance of the resort.



May fountain pa na magwe-welcome sa iyo before you finally go inside Disneyland. Over na siguro but I posed myself jumping in joy! Hahahahaha.



After getting our guide map and timetable for Disney shows, the first thing we did when we get in was to look for a cheap place to eat. It's almost lunch time and we want to eat already since we did not have a decent breakfast. I know it's Disneyland. Baka walang cheap place to eat pero may nakita naman kami na carry nang pagkainan... hindi kasing-mahal nung nasa Mainstreet USA na resto.

But before that, nagkataong in a few minutes, mag-uumpisa na ang show ng High School Musical (HSM). From the Mainstreet, we went in front of Sleeping Beauty's castle to watch. Ang festive ng mood sa Disneyland. I admit for one day, we felt like kids again, minus the tantrums, hehehe. Sa show ng HSM, madaming mukhang Pinoy sa cast. Hindi na ako magtataka na meron and I'm proud because they were able to bring fun to lots of people. Ang galing! Of course, kasama sa performance ang translation to Chinese from time to time. That's for the benefit of those who do not understand English. Then, may gwapong guy sa cast, hehehe. Naka-#12 jersey. Mukhang Pinoy. Pwede. LOL!


in front of Sleeping Beauty Castle


... gutom na ako pero di ko palalagpasin ito, haha. I love HSM


sayang, di nakatingin dito sa jersey #12.. LOL!


fun! i want to join the dance, hehehe


ayan sya! kahawig pala nya yung crush ko nung grade school!! hahaha

After that energetic number, nagtuloy na kami sa Fantasyland. Kakain muna so nagpunta na lang kami sa pinakamalapit na royal banquet hall for lunch. Nasobrahan yata sa steam yung gulay. Ang lambot, parang sponge na, pero masarap pa din. Carry naman ang price. For HKDsomething-something, busog ka na. Hehehe


don't underestimate this. nakakabusog na pala yan. LOL! akala ko kukulangin sa akin, sa lakas kong kumain.


This is found inside the royal banquet hall

Pagkatapos nito, inumpisahan na namin ang todong paglilibot. Napadaan kami sa Mickey's Philharmagic Orchestra. It's a 3D theater. Pinakita yung mga Disney cast na kinakanta yung mga famous songs from the movie like Be Our Guest from Beauty and the Beast. I'm not shy to admit that I was almost in tears, hehehe. It was nostalgic. I have a happy childhood and to be in Disneyland is really a dream come true.




We went to Fantasy Gardens afterwards and met Minnie Mouse, Winnie the Pooh, Pluto, Chip and Dale, Goofy and Mickey Mouse. Got pictures.


sayang, di na pwede magpa-picture kay Pluto kasi uuwi na daw sya, LOL! kaya panakaw na lang ang ginawa kong pix.

I did not pass the chance to go to It's a Small World. We took the boat ride inside a mala-castle na building. While cruising, pinapakita naman dito yung children of the world, singing the song It's a Small World (After All) in different languages. May Tagalog version, cool! Nasa isang bahay kubo ang mga bata, may tarsier sa gilid at may kalabaw sa katabing platform. Cute. Hehehe. Ang hindi lang namin napuntahan is yung 'The Golden Mickeys'. It came to mind but forgot about that when I saw the characters and had pictures with them.


in front of "It's A Small World'





Nilabas na namin ang Fantasyland at tumuloy na kami sa Tomorrowland. Gusto sana naming pasukin yung Stitch Encounter kaso nahuli na kami sa English show. Mga intsik na nag-aabang ng Chinese show ang nandun. So we decided to wait na lang for the next English show at 7PM.

Tumuloy na lang kami sa Space Mountain. Malulupit ang mga warning nila about the indoor rollercoaster ride. Iyong mga tipong pwede kang panghinaan ng loob. haha. Hindi ko lang na-picturan pero dun sa final step bago sumakay ng rollercoaster, may nakapaskil na "this is your final chance to decide". Backing out is greatly encouraged. LOL!!! Kailangan wala kang sakit sa puso, hindi buntis (obvious naman ito di ba?), hindi ka lasing at pumasa ka sa height requirement (hehehe). Pero andaming bata. Ang nakakaloka pa sa mga Chinese, napaka-impatient nila. Gustong sumingit sa pila. Gusto ko ngang isalpak sa mukha nila yung rules and regulations na nasa guide map. Courtesy and respect. Ang kukulit. Kung hindi parang nagmamadali, parang mauubusan naman ng ride. Hanggang sa pagsakay namin, may mga bata. We assumed na safe naman ang ride kaya pumapayag ang mga staff. Medyo kinabahan at worried lang ako sa mga warning nila about the ride but I told Shirley, kung pumasa kami sa Space Shuttle ng Enchanted Kingdom, kaya naman namin siguro ang Space Mountain. Hehehehe.

The rollercoaster ride exceeded our expectations. Walang-wala ang Space Shuttle sa EK. Nanakot lang yun sa biglang bagsak at the start of the ride. Heto, madaming sudden twists and turns, sudden stops at hindi ka na makakapag-pose for a picture sa camera nila somewhere. Ang galing ng ride! Kung hindi lang mahaba ang pila, masarap ulitin. After the ride, lumabas na kami to check our pictures. Pangit. Hindi talaga ako naka-pose, hahaha. So I decided to take a photo of it na lang as a copy.

Napatingin sa akin ang pamilya ng Chinese after ko ginawa yun. Sabi ko 'don't buy the photo, just take a picture with your cam'. Hehehe. Pinoy na pinoy na ba ang dating ko? Hahahaha. Aba! Nagsi-sunuran nga. Tinititigan lang nila kanina, pero pagkatapos kong gawin yun, ginawa na din nilang lahat. Trendsetter ako! LOL!!


yung malabo lang ipo-post ko.. di talaga kaaya-aya itsura namin eh, hahahahaha

Kung tutuusin, ang dami nang oras ang tinakbo sa paglilibot namin. Lagpas 3PM na agad. We decided to go back to Mainstreet USA to check on the souvenir shops. By 4PM, aabangan namin kasi yung Mickey's Waterworks Parade. Sa init ng panahon, ok lang sa amin ang mabasa. Nung 4PM na, pumwesto na kami sa tabi ng kalye. Napaka-festive ng mood. And of course, may mga intsik na gusto kaming singitan sa pwesto namin. Pasensyahan na lang, hehehe.


cute ng balloons... kumpulan sila. =)

May naunang marching band prior to the parade. And guess what? Yung isa sa mga parade dancers na nambabasa ng mga tao ay Pinoy. Malatean pa! Schoolmate!!! Member daw siya ng Glee Club, sabi ni Shirley. Nung nasa harap na namin ang guy at tinuro namin sya, sabi ni Shirley 'kilala kita! '. Hahaha. Aba, ang Pinoy ... tinutok ba naman ang water gun at binasa kami, LOL. Tapos sabay ngiti at kaway sa amin. Cool!



start na ng pista ni San Juan!!! LOL.


Disney princesses. Imagine, ganda lang puhunan nila, hehehehe


i love Donald Duck. ;)


i love Eeyore more than Winnie the Pooh.

Ang daming Pinoy sa parade. Mahahalata naman sa itsura pa lang. At siguro nahahalata din kami sa itsura, kaya binabasa kami. Basang-basa na kami! LOL. Sa excitement ko naman, nagbanta na ng low batt ang cam ko! Yay!


basa na ako dito. pero sarap ng feeling. ang init kasi ng panahon eh, hehehe

After the parade, may energy pa kaming bumalik sa souvenir shops. After a while na wala pa rin kaming mapili, nagpahinga muna kami sa bench. Nagpa-picture pa kami sa isang intsik, hehe.



We also took time to check with the information counter kung available pa ang MTR pauwi because we will stay until the park closes, after watching the fireworks show. Buti naman at may MTR pa. Nung mejo naipahinga na ang mga paa namin, tumuloy naman kami sa Adventureland. Pagod na kami so we decided to just watch the Festival of the Lion King. We calculated the time. The show's duration is 30 minutes. After that, susugod naman kami sa kabilang side to watch Stitch Encounter. Carry.

As usual, there goes the impatient Chinese people. Hindi ko naman nilalahat, pero sa experience namin doon, parang hindi sila magkandaugaga at gustong makapasok kaagad. Nakikipag-unahan sa pila. Buti na lang may fast pass kami so pinapasok agad kami. Sa bandang unahan kami. Ang ganda ng show! Ang galing ng mga African singers. Buong-buo ang boses nila. Sila ang bida sa show. Ang gagaling nila! At duon ko din nakita ang schoolmate ko from UST, si Josh! He told me noon na doon siya nagwowork. I thought then na nasa parade sya pero hindi ko nakita. Then I saw him in the show. Anyone who knows him can recognize that wide smile everywhere. Ang gwapo ni Josh, hehehe. Ang galing-galing pa din talaga niyang sumayaw. Talagang ginawa nyang career. During my UST days, siya pa ang nag-choreo sa amin sa isang pageant nung college.




Josh is one of them.. naka-yellow shorts sya.

Ang saya nang matapos ang show. Pero kung may nagpagaling lang sa sakit ng paa namin, walang iba yun kundi si Prince Caspian (insert screaming women here). I met my prince charming in Disneyland (naka-bold pa talaga di ba? LOL!!!) Ang gwapo. Konti lang pumila so pinilahan namin siya. At hindi kami nag-share sa picture ni Shirley. Ang gwapo. Ang sarap i-kiss! Intimidated ako sa gwapo so mejo pa-demure ako that time. LOL!!! Ang gwapo talaga. May British accent pa ang lolo! Nag-hello sya sa akin when I stepped on the platform with him. Afterwards, when I said thank you, he nodded with acknowledgment. Ang gwapo talaga!!! Buti na lang naka-pants ako, hahahaha. Makalaglag-underwear. At himala, talagang nawala ang pananakit ng mga binti at paa namin, hahaha. Ang sarap-sarap nyang tingan. Ang sarap-sarap nyang tabihan. Ang gwapo talaga! (low batt na ang cam ko so ginamit namin yung cam ni Shirley. Kapag nakakuha na ako ng copy ng pix, ie-edit ko ito. hay, kinikilig na naman ako. haha)

Okay enough na. Over na, hahaha. Last hirit, ang gwapo talaga. Hehehehe.

We rushed to Stitch Encounter after that. Forty five minutes pa daw ang hihintayin. So we went back to Mainstreet USA to buy souvenirs na. After that, balik na ulit kami kay Stitch. Walang pila. Pagdating sa looban, may iilan na palang nakapila. Mostly foreigners like us, hehe. Iilan lang ang Chinese. I'm excited. Favorite ko si Stitch. Kahawig nga niya si Troy, minus the fur. Na-miss ko tuloy ang aso ko, hehehe.

Nakakaaliw si Stitch. The show is interactive. Yung mga Chinese na hindi pala nakakaintindi ng English, lumabas. Engot. Sinabi na sa gate pa lang na English show yun eh. Tsk. Tsk. Hehehe. Anyway, Stitch asked us to sing Twinkle Twinkle Little Star, in honor of his new best friend, Star. She's a Chinese little girl who can speak and understand English. She's seated in front with her cousins. Nung walang masyadong kumakanta ng nursery rhyme, asar na asar si Stitch, hahaha. So pinakanta kami after him, line by line. Gigil na gigil sya. Hahaha. Then he turned to the other side of the room because he thought he recognized a runaway experiment. He pointed to a semi-bald guy on the second row. His name is Rupert and Stitch insisted that he's an alien. Rupert said that Stitch was mistaken. He's never been out of the earth or to anywhere in the galaxy. As a proof, Stitch showed Rupert's ID. Hahaha. Kakatawa itsura nung guy, nakanganga pa nung kinuhanan ng photo. Experiment 626 si Stitch so it's impossible not to recognize the alien next to him which is Rupert, Experiment 627. Hahaha. Aliw! After that, he turned to a woman near Rupert's seat. She told Stitch to call her whatever he wants to. Gusto pang magpaka-anonymous **roll eyes** Arte. Anyway, hindi siya umubra kay Stitch. So she only said she's Alilo, whatever. And her brother's name is Stitch daw. Hindi din pumayag si Stitch, haha. He took a picture ng maaarteng tao na ito then when he said that he will keep the picture forever, bigla na lang kinain ang camera nya, hahaha. Typical of him. Natapos ang show. Aliw.

After that, we took our dinner na. HKDsomething-something for a big bowl of Sweet and Sour Pork with rice meal. Malilinis ang drinking fountain so nag-refill na lang kami sa dala naming mineral water bottle. Afterwards, naupo na kami sa tapat ng Sleeping Beauty Castle to wait for the fireworks show. Sanay kami because we're Malateans, hehehe. After seemingly thrity minutes or so, nag-umpisa na ang fireworks. Ang ganda.




umpisa na yan ...


after this shot, namatay na cam ko... waaahhhhh!!! ito pa mandin inaabangan ko. i'll post na lang ng shots later from Shirley's cam

Too bad that I was only able to take a few shots with my cam because low batt na talaga. Shirley was able to take a video and I took her cam instead to capture the moments. Ang ganda! Overwhelming. Magical. Amazing show. For a period of time, we were like kids. I was a little emotional. Before, I can only dream about it and see on TV but now, hayan na ang magical fireworks sa harap ko. Hehehe. Cool.

After the show, I was speechless. Medyo tulala pa kami ng buddy ko. Then I turned to her and said "What a great way to end a magical and wonderful day." And she agreed.

I will definitely be coming back. I will bring along my family so that they will also experience what I had.

There are lots of people sa MTR Sunny Bay station nung pauwi na. Ang tagal dumating ng MTR. Tapos ang daming Pinoy na akong nakikita na nagkukumpulan. Mostly, families. Inaantok na ako. Napagod din ako.

Napansin ko lang ever since dumating kami, ang mga intsik, hindi sila nauubusan ng kwento. Hahaha. Kasi kahit saan kami magpunta, laging nagsasalita, kaya laging maingay. As in maingay ang paligid. No wonder, according to the Reader's Digest December 2007 Issue, isa ang Hong Kong sa mga siyudad sa Asya na maiingay. Huwag kang magbunyi, Pinoy. Kasama tayo dun, hahaha. Blame the videoke bars. We only disregard this issue but according to studies, it can really lead us to being deaf.

Anyway, saka ko na tatalakayin yun. After ng mahabang byahe pauwi sa Kowloon Island, nakarating din kami ng hotel. Ang bagal naming maglakad, hahaha. Pagod na kasi. Hindi na rin kami masyadong nakapagpahinga. Kahit wala naman akong bibilhin, sumama ako kay Shirley sa Temple Street for the night market. Nagtingin-tingin lang, hehe. Curious. Pero nung napagod ako, di ko na kinaya. Nagpaalam na ako sa kanya na balik na lang ako ng hotel. Iniwan ko na lang sya. Maya-maya, umuwi na rin sya. Nakaligpit na ako ng gamit ko kasi kinabukasan, sa Macau naman kami pupunta.

Nakakapagod, pero masaya. =)

No comments: